Categories Relationships

Ikaw lang

To my favorite person,

Habang tumatagal mas minamahal ko yung ikaw. Simula nung dating ikaw at yung bagong ikaw. One reason na nakita ko kung bakit ka nagbago, yun yung umalis yung mga taong minahal mo. But as time goes by, mas naging matatag ka at matapang ka para sa sarili mo. Minsan naiisip ko, natatakot ka na siguro maattached kasi baka one day mawala na naman sayo, iwan ka na naman or umalis na naman ng biglaan. Pero sana wag kang matakot, andito ako oh. Ni minsan di ako nawala sa tabi mo, ni minsan di kita nakalimutan. Hindi naman kita iiwan eh. Mas natutunan mo mahalin sarili mo, pero natutunan mo din maging manhid sa paligid mo. Natutunan mong maging matapang ng ikaw lang, pero natutunan mo din di na kailanganin yung ibang tao. Kasi paano naman yung taong willing ka ingatan at ipaglaban? Paano naman yung taong handa kang samahan sa lahat ng ups and down mo? Even masaktan ka pa, you will choose to love in the way na ipinakita at ipinaramdam ng mga taong totoong nagmamahal sayo. Hindi galing sa sakit na pagbabago. Kasi sa totoo lang hindi ka mahirap mahalin. Hindi ka mahirap tanggapin.

Lahat ng ikaw, buong ikaw. SOBRANG MAHAL NA MAHAL KO. Sa lahat ng ups and down mo sasamahan kita, hinding hindi kita susukuan, hinding hindi kita iiwanan. Kahit gaano ka pa-komplikado ikaw at ikaw pa rin yung lalake na lagi kong pinapangarap makasama hanggang dulo, lagi kitang kinukulit kasi sobrang namimiss na kita.

Prev Letter to
Next Torn