Strong and independent pero…

294

Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Kapag strong and independent usually ang ideas ng ibang tao:
-career and goal-oriented
-hardworker
-achiever
-financially stable
etc.

Kaya minsan may stigma na, “ang hirap mahalin niyan” , “mataas masyado standards, wag na lang” , “ang talino mo” , “hindi ko kaya ibigay mga gusto niya” at marami pang iba.

Pero minsan may sumagi na ba sa isip ng iba na strong and independent ka pero:

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


-nais mo ring may mas strong sa iyo na tunay na makikinig sa kuwento ng buhay mo, positibo man o negatibo


-nais mo ring may yayakap sa iyo sa mga panahong pagod ka na at siya lang tanging magiging sandalan mo


-nais mo ring may makauunawa na may mga bagay kang kaya’t hindi kayang gawin at kailangan mo ng tulong

-nais mo ring may maasahan sa mga pagkakataong lahat sa iyo nakadepende


-nais mo ring ma-share ‘yung mga side mo na makulit, kengkoy,’yung hindi ka seryoso


-nais mo ring magbigay halaga at pahalagahan


-nais mo ring magmahal at mahalin ng totoo

Pero ngayong habang wala ka pa, patuloy pa ring magiging strong and independent para sa aking sarili at para rin mas maging handa para sa iyo.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required