Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Tara na sa bahagharing kay ganda
Kasabay ng kislap ng iyong mata
Mga ngiting di alintana
Hiling kong makita sana

Halimuyak na iyong dala
Sa akin ay nagpapangulila
Tamis ng iyong tinig
Labis kong iniibig

Giliw ako’y ilagay sa iyong isipan
Kaagapay sa kahirapan
Pagkat ikaw man ay lilisan
Magtatagpo pa rin kinabukasan

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Isang banayad na panalangin
Aking laging sasambitin
Sa iyo’y ipagkaloob itong dinidingin
Wagas na pagmamahal ng Diyos na mahabagin

Kay Hesus aking sasambitin
Na ika’y lagi nyang mamahalin
Hihingin kay Birheng Maria
Na kailanma’y di ka mangulila

Sana’y lagi mong madama
Sa tuwing ika’y nag iisa
Yakap nilang kay Tamis at Ganda
Di mawawala itong pagsinta

Kailanma’y sa puso at diwa
Sumasaiyo itong magandang gunita

Send me the best BW Tampal!

* indicates required