Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

“Baka lang sakaling maging Tayo”

Kakatok sana ako sa bahay niyo
Tatanungin ka kung anong favorite color mo
Aalamin ko kung mahilig ka kumain
Kung mahilig ka umakyat ng bundok
Kung mahilig ka manood ng sine
Magbabaka-sakali kasi sana ako
Baka may parehas tayo ng gusto

Napag-alaman kong mahilig ka sa itim
Favorite ko naman ay pink
Mahilig kang magluto
Mahilig naman akong kumain
Rock music ang nagpapa-kumpleto sa araw mo
Senti at RnB naman ‘yung sa akin
Isa kang pusang gala
Asong bahay naman ako

Dean’s lister ka ‘nung college
No. 1 naman ako sa list ng mga “Stupidents”
Mahilig ka sa mga picture ng elepante
Langgam naman ang paborito kong kolektahin
Mahilig akong maglinis ng bahay
Balita ko, makalat ka daw sa bahay niyo
Saang punto kaya tayo magtatagpo?
Saang banda?

Pero, kung sakali mang maging tayo
Siguro, maybe in the future
Willing akong gustuhin ang gusto mo
Nakahanda akong lunukin ang ‘sang basong hiya ko
Masuot lang ang couple shirt na ibibigay mo
Gugustuhin ko na ring mag Mountain Climbing
Kahit puno lang ng kapitbahay ang kaya kong akyatin
Gugustuhin ko lahat para sa’yo

Baka lang sakaling maging tayo
Baka lang naman at di ako assumero
Papalitan ko na ang idol ko na si “Superman” para sa’yo
Total favorite ko naman ang “Goblin”
Willing akong maging “Gong Yoo’ ng araw-araw mo
Everytime na kakailanganin mo ako
Hipan mo lang ang mga kandila sa simbahan
‘Wag ka lang pahuli sa nagbabantay at darating ako

-Yours truly: Goblin na nag-aassume na maging tayo

#Photo by: Google on Display
#Parkenstacker
#BoilingPoint