Baka sakali

227

Ano ba ako sayo
Madalas kasi akong nalilito
Hindi ko alam san ako lulugar
O meron ba akong lugar?
Ano ba tayo?
Isa lang ba itong laro?
Pampalipas oras 
Dahil sobrang nakakabagot
Kaya puro nalang harot
Sabihin mo naman sa akin
Ikaw ba ay mapupunta sa akin
O mapupunta lang lahat sa hangin
Lagi nalang akong tumatalon sa bangin
Nagbabakasakali na andon ka sa ilalim
Na pareho tayo ng lihim
Na baka sakaling may pagtingin
Na hindi nalang ito isang blankong papel
Na walang kahulugan
Na Walang pupuntahan
Ngunit lahat pala ay panaginip
Isang panaginip na unti unting nagiging bangungot
Isang imahinasyon na hindi ko matakbuhan
Hindi ko matakasan
Na kahit anong takbo ko
Hinding hindi ko mauunahan
Dahil hanggang ngayon
Kumakapit padin ako
Hanggang ngayon andito padin sa puso ko
Yung pag-asa na baka sakali
Nagbabakasakali na balang araw
Na baka isang araw
Makikita mo ako
Makita mo na baka pwede tayo

Send me the best BW Tampal!

* indicates required