Nagtetext ka kapag wala kang makausap

Nagmemessage ka kung may gawaing iuusap

O di naman kaya ay may ipapa-follow up

Ganito na lang lagi ang ating set up

Hindi ko naman sinasabi na ayoko na sa iyo

  Sa anim na taon ay tanggap ko na ang pagkatao mo

Hindi ko nga alam kung paano ako tumagal ng ganito

Ganito nga lang siguro pag mahal mo ang tao

Gusto ko lang sabihing napapagod din ako

Sana isipin mo din naman na may kailangan din ako

Katulad din ng pangangailangan mo

Kahit sabihin na wala namang malalim na “tayo”

Napapagod din ako sa istilong ganito

Gusto kong magpahinga kahit isang segundo

Subalit pag lumapit ka na agad napapa-oo

Para bang nahi-hypnotized ako sa mga sinasabi mo