Bakit ang hirap magtiwala?
Categories Relationships

Bakit ang hirap magtiwala?

Sa dami ng pinagdaanan mo sa pag-ibig, hindi mo na maisa-isa. Hindi mo na maalala o ayaw mo na lang alalahanin? Kasi sa tuwing pumapasok sa isip mo ang lahat ng panloloko, pananakit at pagpapaasa sa’yo, hindi mo nanamang mapigilan ang maluha. Oo, sinabi mong nakamove on ka na at talagang wala na yung sakit. Nasanay ka na sa mga tao na para bang wala na lang ibang alam gawin kundi ang saktan ka. Sa tuwing nagkakaron ka ng pag-asa na magmahal uli, eto nanaman ang tadhana para bigyan ka nanaman ng rason na sumuko at mawalan ng loob. Minsan mapapaisip ka na lang kung may tao nga ba talagang inilaan para sa’yo? Meron nga bang taong tapat na magmamahal sa’yo at hindi ka na sasaktan muli? Madrama man isipin, pero malamang ay naitanong mo na ito ng paulit-ulit.

Napuno ang puso mo ng takot at pangamba na baka sa isang araw na umibig ka uli, maulit nanaman ang pinagdaanan mo na ayaw mo nang balikan. Bakit nga ba napakahirap ang magtiwala? Maraming posibleng dahilan para maintindihan mo kung bakit parang ang dami mo nang trust issues na hindi maresolve. 

 1. Naloko ka na in the past.

One of the main reasons why it’s hard for you to believe in love again ay dahil may tao kang minahal at niloko ka niya. Pinagkatiwala mo ng buo sa taong ito ang pagkatao at puso mo, pero hindi pa rin ‘yon enough sa kaniya. Naghanap pa rin ng iba at hindi niya nakita yung worth mo. It’s sad and heartbreaking to know na to that person, you were not valuable para mahalin niya ng tapat. Sabi nga: “With the wrong person, you will never be enough. But with the right person, you are more than enough.” Para sa maling tao, kahit ibigay mo na ang lahat, hindi pa rin siya masaya. Pero once na natagpuan mo ang tamang tao, sobra sobra ka pa. Kasi ikaw yung taong never niyang hahayaan na masaktan, dahil takot siyang mawala ka sa buhay niya. You mean everything to that person kasi genuine yung love niya para sa’yo. Kaya kung nagawa kang lokohin noon, it’s only God’s way of showing you that you were with the wrong person. You were saved from the wrong one.

2. Feeling mo lahat ng tao katulad ng ex mo.

We tend to generalize kapag may karanasan tayo na hindi maganda. Siguro nag-entertain ka ng maraming takot kaya hindi mo magawang sumubok at magmahal ulit ng totoo, kasi you were traumatized by your past experience with someone who broke your heart. Pero hindi lahat ng tao ay katulad niya. The person who gave you pain should be only a part of your past. Hindi mo siya dapat i-relate sa lahat ng taong makikilala mo at gustong magmahal ng totoo sa’yo. 

3. Hindi ka totoong nagpatawad.

Madaling sabihin na nakamove on ka na, nakalimutan mo na ang lahat at napatawad mo na yung mga taong nakasakit sa’yo noon. Pero hinding-hindi mo ito maitatago sa actions and expressions mo. How you view life and how you handle things could easily show na marami ka pang hurts na hindi mo napapakawalan. That’s why kahit na ipilit mo ang sarili mo na magmahal uli, you end up failing because you couldn’t give your full trust to someone. 

4. Napagod ka na.

Siguro nasabi mo na sa sarili mo na pagod ka nang sumubok ulit. Hindi mo rin alam kung kaya mo pa na maghandle ng isang relasyon kasi baka sa huli, masaktan ka nanaman. You became afraid to take risks. Pero sa true love, there should be no fear. You should be willing to embrace uncertainty and believe in that person. Sa tuwing mapupuno yung puso mo ng doubts at worries, inaalis mo rin yung opportunities sa buhay mo para maging masaya. 

5. Lagi mong naiisip yung negative sa mga sitwasyon.

When handling relationships, you should always choose to see the good in that person. Hindi pwedeng laging tamang hinala ka. Kung sasaktan ka niya, sasaktan ka niya. Hindi mo ito mapipigilan. Isipin mo na lang na kapag magagawa man niya ito sa’yo, kawalan niya ‘yon dahil mawawala ka sa kaniya. Ang magagawa mo lang ma-control ay ang sarili mo. You cannot control or predict the actions of others. If you truly love someone, you will trust him. If he will choose to break that trust, then he doesn’t deserve you. 

These are some of the reasons kung bakit nahihirapan tayong magtiwala in relationships. Maybe you have your own reasons. Pero one thing is for sure, no relationship could last without trust. Hindi lang love ang puhunan sa isang relasyon. So if you cannot trust someone, it only means that you are not ready to love.