Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Bakit daw ako single.

Tanong na palagi mong maririnig kapag malapit ka ng mag trenta

o kapag halos lahat na ata ng kabatch mo may asawa

o anak na o kapag un mga tao na nakapaligid sayo ay in a relationship na.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


 

Minsan nakakainis marinig,

minsan hindi mo alam kung matatawa ka na lang ba at

minsan nakakasawa na din pakinggan.

 

Nakakatamad kaya magpaliwanag.

 

Sana pag sinabi ko na kasi “busy kasi ako”,

huwag mo ako ngisian na akala mo naman rason lang yun.

Aminado naman ako minsan rason na lang ung “busy ako”

kasi nga nakakatamad magpaliwanag kasi sa isip mo hinusgahan mo na ako.

 

  • Kung mas bata ka sa akin, huwag kang mag-alala darating din yung pagkakataon na maiintindihan mo yung “busy ako”.
  • Kung magkahilera lang naman edad natin at single ka din, alam na dis, cheers na lang! Kung in a happy relationship ka naman,maligaya ako para sayo pero huwag ka naman maatat para sakin, relax ka lang. Okay lang ako.
  • Kung mas matanda ka sa akin, salamat sa malasakit, wala pong problema sa akin, sadyang sa panahon namin ngayon maraming mga oppurtinidad na pwedeng gawin muna.

“Busy ako”

Busy lang talaga muna ako na mag explore pa, mag self-discovery at para linangin pa ang aking pananaw at pananampalataya.

Busy ako sa aking tungkulin at obligasyon sa pamilya.

Busy din ako magkapaulirang empleyado.

 

Hindi ko naman sinasabi na ayaw kong makipagdate o makipaglandian man lan jan,

sadyang bibihirang oras at pagkakataon din nag meron ako para maki pag “socialize”.

Maligaya naman ako sa estado ko ngayon eh kaya sana huwag ka maatat para sa akin.

Darating din yung panahon na sasabhin ko “uii, in a relationship na ako”.

Appear na lang sa mga single din jan.

PS.
Busy din pala ako nagpapakastress at frustrated sa mga ibang bagay na pinagdadaanan ko, iniisip kung ano na nga bang pinag gagawa ko sa buhay ko at ano na bang gagawin ko. Busy din akong nag-iisip ng susunod na hairstyle ko at kung saan ako next na maghihiking kaya inuulit ko busy ako :))

Send me the best BW Tampal!

* indicates required