Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
Sa panahon ngayon, hindi lang dapat guard your heart, guard your inbox din.
Isa ka rin ba sa mga nagtataka at natatawa kung anong meron sa late night convo at bakit ito madalas na rason ng pagiging marupok? Basahin mo ito at mag-comment ka kung nakarelate ka din sa kahit isa sa nabanggit.
Una. Dahil mas nakikilala mo ang taong kausap mo. Mas marami kang nalalaman tungkol sa kanya, feeling mo mas close na kayo at mas nagiging palagay ang loob nyo sa isa’t-isa.
Pangalawa. May mga napag-uusapan kayong mga bagay na kayo lang ang nagkakaintindihan. Kaya kahit pa may iba na kayong kasama, kayo pa rin ang nagiging magkausap.
Pangatlo. Feeling mo lagi syang nandyan para damayan ka. Feeling mo nagiging masaya ka kapag kausap mo sya, kasi nababawasan yung lungkot mo pag mag-isa ka.
Pang-apat. Habang mas lumalalim ang gabi, mas lumalalim din ang mga nagiging topic ninyo. Hanggang umabot sa puntong pati problema ng pamilya nya, maikwento na sayo.
Panglima. Nakakapangako ka ng mga bagay na minsan hindi mo naman sigurado kung matutupad mo ba. Tulad ng, “Lagi lang akong nandito para sayo”, “Pwede mo namang sabihin sakin ang mga problema mo, tutulungan kita.” “Magiging masaya ako para sayo.” Pero alam mo sa sarili mo na hindi sa lahat ng oras pwedeng ganun ang sitwasyon. Hindi sa lahat ng oras magiging available ka para sa kanya, at hindi palaging magiging masaya ka, dahil ang totoo alam mong masasaktan ka.
Pang-anim. Dahil na-aattach ka na sa kanya, nasasanay ka nang kausap sya bago matulog. Nasasanay ka nang nandyan sya pag malungkot ka. Nasasanay ka nang may karamay, kausap, katawanan. Kaya pag nawala sya, pakiramdam mo ikaw ay naloko, naiwan, na-scam.
Ang magandang pagtitinginan nag-uumpisa sa pagkakaibigan. Kaya hindi imposible na ma-fall ka sa taong mas madalas mong nakakausap. Pero paano mo poprotektahan ang sarili mo na hindi masaktan kung ikaw mismo hinahayaan mong mahulog ka sa inyong matagal na usapan. Late night convos ang nagiging dahilan kaya mas madalas nasasaktan tayo ng hindi natin namamalayan.
Pwedeng makipagkaibigan pero kung gusto mo talaga na sarili mo ay protektahan, iwasan ang late night na usapan. Dalawa lang naman yan, kung hindi ka makasakit, ikaw ang masasaktan.