Current Article:

Bakit Patuloy Pa Rin Tayong Umiibig?

Bakit Patuloy Pa Rin Tayong Umiibig?
Categories Relationships

Bakit Patuloy Pa Rin Tayong Umiibig?

Sa umpisa ng relasyon niyo ng partner mo marerelaize mo gaano kasaya ang magkaroon ng taong laging nandyan para sa iyo. Araw-araw sila ang gusto mong makita at makasama. Hindi ka nagsasawa kahit lagi mong nakikita ang mukha niya at naaamoy ang pabango niya. Sa unang taon walang masyadong problema lagi lang kayong masaya. Kung may away man maliit lang ang tampuhan. Sa mga dalawa at kung seswertihin umabot ng lagpas tatlong taon nagsisimula na ang mga away na dati wala naman. Maliit na bagay lalong pinapalaki hanggang mas madami pa ang away kaysa sa mga pagkakataong ok kayo.

Sa totoo lang hindi natin alam anong formula ng isang maayos na relasyon minsan kasi depende sa magiging partner natin kung swak na swak kayo. Wala sa haba o liit ng pinagsamahan niyo ang pwedeng maging batayan kung hanggang kailan kayo. May mga sobrang tagal na sa relasyon pero naghihiwalay at yung iba naman kahit buwan palang nauuwi na sa kasalan.

Pero isa lang na-realize ko, kamangha-mangha ang tao! Kaya nating umibig ng ilang beses kahit sobra na tayong nasaktan. Kahit pigilan natin ang nararamdaman lumalabas pa rin na natural na sa atin ang umibig.

Na kahit maliit na lang ang pinanghahawakan natin ay naniniwala pa rin tayo na balang araw darating ‘yung taong para talaga sa atin. Maaaring ang iba sumuko na pero may ilan pa rin na lumalaban sa karera ng pag-ibig.

Masayang magmahal at mahalin. Ang pag-ibig ay tunay na mahiwaga at lahat tayo handang tuklasin ito sa paraang alam natin.