Bakit ka naghanap ng ibang saw-sawan? Habang puno ng imahinasyon ang utak mo na may kinakalantaring iba ang kasintahan na sinisinta sinta mo LANG NUNG UNA pero sabi nga nila sadyang sa una ka lang talagang magaling.
Hindi pa ba sapat na ikaw mismo ang gumagawa ng paratang mo sa iba? Natatakot na mangyari pabalik ang hindi mo pinagisipang pagtataksil sa babaeng pinaghirapan mong makuha at sa limang taon na pagsasama.
Kailan ba magiging sapat ang mga Lino na sinasayang ng mga Jade na hindi naging kuntento at sa mga Jackie na naging kampante sa mga Ace na itinapon lang lahat para lang sa panandaliang sarap.
Bakit ka ba nanligaw, nagpaligaw at pumasok sa relasyon kung lage kang may maidadahilan para pagtaksilan ang inaako mong mahal pero minumura mo lang naman.
Sa mga linyang paulit ulit na itatanong sa sarili kung hindi ka ba sapat. At kung bakit, ano ang mali, ano ang kulang, may kulang ba.
Hindi naman pusang gala pero gumagala. Teka lang ah, baka gusto mong sampalin ka ng naiwang bilbil ng nanay na naghirap ng siyam na buwan.
Real talk lang ah. Maiba tayo sa not enough not enough na yan. And face the truth that out there, someone will always be better than the person who youβre with. Kaya never compare but grow in love through the trials you will be facing ahead and not go bothering someone elseβs bed. Iayos ang problema, hindi humanap ng ibang ikakama.