Balibolista
Categories Poetry

Balibolista

Kinahiligan magmula nung kabataan
Labanang di lamang palakasan kundi utakan
Tiwala’y kailangan upang mapagtagumpayan
Maipapanalo kahit di kalakasan

Court na naging tahanan
Teammates na maasahan
Pinapalakas ang iyong kalooban
Volleyball, Yan ang aking kinahiligan

Hirap man ang dala
Itaas parin ang bola
Hahabulin san man mapunta
Mabigyan lamang ng pag asa

Volleyball, solusyon sa problema
Naging gamot sa ramdam na nagiisa
Nagbibigay ng natatanging ligaya
Kung wala ka, buhay estudyante’y walang sigla

Iyong ipinakita minahal ng puso sa tuwina
Nagkakulay ang buhay na dati’y maputla
Salamat sa iyong ipinakilala
Ngayo’y parte ng buhay ko bilang Balibolista