Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

“Bangin”

Ikaw ay isa sa aking mga dalangin
At kung bibigyan ako ng pagkakataong humiling, ikaw ang aking hihilingin
Na sana ako ay iyong mahalin
Ang pag-ibig ko sana’y bigyang pansin
At ang buong pagtao ko’y iyong tanggapin

Hindi ko akalain na ikaw na nga talaga ay iibigin
Na kahit ang dikta ng utak ay handang suwayin
at tanging ang sigaw lamang ng puso ang aking susundin

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Nais kitang dalhin
Sa ilalim ng buwan at sabay nating panuorin at bilangin ang mga bituin
At habang tayong dalawa’y sa langit nakatingin,
Nais ko sayong sabihin ….
Na ako na nga ay may itinatagong pagtingin
At sa mga oras na ako’y iyong lingunin
Hayaan mong dinngin
Itong sinisigaw ng aking damdamin

Ang buong mundo’y nais kong libutin
At handang gabihin o kahit umagahin
Huwag ka lang mawala sa aking paningin
At ang oras ay nais kong pabagalin
Dahil nais kong gugulin
Ang bawat minuto at segundo ay aking susulitin
Hanggang sa ang aking loob ay iyong palakasin
At handang handa na ngang sambitin
Handa na akong aminin,
Na ikaw ay handang suyuin
Hinding hindi lilisanin
at habang buhay kong mamahalin

Ngunit para kang isang “Bangin”
Na napaka-gandang tanawin
At nakaka-akit sa malayuang tingin
Ngunit sa malapita’y para na akong hihimatayin
Sobra mong lalim
At tinitingnan ko pa lang, Nakakatakot ka nang mahalin
Dahil kahit handa akong ito’y talunin
Mayroon pa ring natitirang pag-aalinlangan sa akin
Dahil kung ito ma’y aking tatalunin,
Ako kaya’y iyong sasaluhin?

 

by: Angel Smile Rabanera 💕

Send me the best BW Tampal!

* indicates required