Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

“Kapag ba mahal kita at mahal mo ako,
Nagmamahalan na tayo?”
Yan ang bagong salitaan ngayon.
Nakakatuwa ano?
Yun tipong dinadaan sa salitaan na ganyan yun tunay namang nararamdaman.
Pinagtatawanan ng iba pero dinaramdam ng karamihan.
Mga pakunwaring banatan na may halong katotohanan.
Sa panahon kasi ngayon mas batak sa tao ang mga pasaring na damdamin.
Damdamin na mas nanaisin sanang marinig ng harapan na may katapatan.
Mas nakakatuwa sigurong makita na di mo lang minamahal ng pasaring, ginagawa mo pa ng palambing.
Magmamahal ka na nga lang, taguan pa.
Pag tapat mo na habang may pagkakataon pa.
Manalo o matalo man, di mo pagsisisihan.
Bakit? Hindi ka na aasa.
Aasa kung “Pano nga kaya?”

Send me the best BW Tampal!

* indicates required