Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Bawal bang hilinging “sana, akin ka na lang.”

Bawal bang ipilit na “sana, ako na lang.”

Ayokong isiping hanggang dito na lang.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


‘Di tayo pwede, malamang sa malamang.

 

Takot na takot ako ngayon pa lang.

Kaybilis kong nahulog, parang kailan lang.

Nasasanay na ika’y laging nandiyan lang.

Kung aalis na, pwedeng teka lang?

 

May tanong ako, isa lang.

‘Wag griping, easy ka lang.

‘Di ba talaga pwedeng tayo na lang?

 

Ang daming bawal, pero okay lang.

Pagdating sayo, take and take lang.

Napapangiti na sa text mo pa lang.

Ang gustong kausap ay ikaw lang.

 

Kinikilala na ngayon pa lang.

Baka mag-iba, baka sakali lang.

Kinakabahan na ngayon pa lang.

Ayoko na sa iba, sana ikaw na lang.

 

Hindi ito yung pinagpipilitan lang.

Sana maantay pa, ipaglalaban din lang.

Ako’y natatakot pa, sandali lang.

Please naman, dito ka lang.

 

Ayaw na ayaw kong sa iba lang

Mapupunta ang para sa akin lang.

Masakit na sa mata, iniisip pa lang.

Paano na pala pag ika’y kanya lang?

 

Parang ‘di ata kaya ang ganun na lang.

Mahirap pag biglang bitiw na lang.

Lalo na pag sanay nang sayo lang

Umiikot ang mundong sa atin lang.

 

Kayhirap naman ng ganito lang.

Gasgas man, kaso talagang ganyan lang.

Lipad mo’y mataas, ako’y lupa lang

Baka pagtingi’y hanggang saludo na lang.

 

Sana kasi madaling sabihing “akin ka na lang.”

Sana nga kayang pagsigawang “akin ka lang.”

Kaso para talagang hanggang dito na lang.

Yung akalang “tayo” kwentong banyo na lang.

 

http://Photo by Trinity Kubassek from Pexels

Send me the best BW Tampal!

* indicates required