BANTA
Categories Poetry

BANTA

BANTA
ni Khen del Prado

Nagdidilim ang kalangitan.
Tinakluban ng kumot ang malambot na ulap,
’tila ahas ang paggapang nito.
Dahan-dahan ang pagsunod,
katulad ng buwan na akala mo’y aninong sumasama sa mahabang paglalakad.
Ang isang bahagi ay malaya
at mabigat naman ang bitbit sa kabila.
Unti-unting pumatak..
Hindi luha, kundi luha…
Sabi ko nga…
Bumalik at muling umagos.
Tamang tiyempo.
Nakakabahalang ritmo.
Isang kalabit mo lamang,
bubuhos ito ng lubusan.
Ayan na siya.
Babagsak na.
Sa takot na mapatakan
o ‘di kaya’y masabuyan
ilalabas ang pagsuyong sasangga
sa dampi ng nagbabadya..
Sumabay sa saliw ang presensiya ng hangin,
pinasayaw ang mga berde,
gumalaw at nagpatuloy.
Lumakas ito.
Akala’y bubulong lang,
pero hindi.
May nais itong sabihin,
kaya mo bang harapin?
handa mo bang suyuin?
Bigyan mo lamang ng isang awitin;
iyong papikitin at sabihing,
“itatago kita sa mahiwagang lilim.”

#StaySafe
#Weather

Leave a Reply