Sa pagitan ng puso at utak ko
Nakahimlay ang mga alaala mo
Sa ika pitong daang pitongput pitong beses
Na ako’y na darang upang gunitain
Mga pangako’t pangarap na lahat ay naging hangin
At sa tuwing lilingon sa kanan
Palaging kaliwa ang unang hakbang
At syang dahilan upang mapatid at lumingon sa hantungan
Babangon, luluha at sasaya
Habang ako’y nakatunghaw sa mga alaalang
Nabasag na…