Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Nang una kitang makita
Puso’y tumibok ng sobra
Kakaibang bugso ng damdamin sayo lang nadama
Pakiwari ko’y mahal na kita.

Ang tangi ko sayo’y nagustuhan
Kakaiba mong katangian
Taglay mong kagandahan
Bumihag sa puso kong tuluyan

Puso ko ay iba ang tibok
Kaya’t naisipang sayo’y kumatok
Nilakasan ang loob
Dahil maganda ang aking kutob

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Na sa akin magkakagusto rin
Na akoy pagtutuunan mo ng pansin
Dahil pag-ibig ko’y sayo parin
Kaya’t sana’y ito’y dinggin

Pagsisi ang aking napala
Pakiwari ko’y akoy mahal mo na
Nagising sa katotohanan, ito pala’y mailing akala
May mahal ka na palang iba

Send me the best BW Tampal!

* indicates required