Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Labis ang kagalakan
Sa tuwing ika’y nasisilayan
Isang araw hindi na namalayan
Mahal na pala kita ng walang alinlangan

Sa tuwing nakikita kita
Saya sa mukha ay di maipinta
Pero tama ba ang magpakatanga?
Kahit alam kong may mahal na siyang iba?

Kailangan ko ng kasagutan sa mga katanungan
Kahit pa ang kalalabasan ay masaktan
Kaysa sa magbubulag-bulagan
Na hindi kanaman kayang pahalagahan

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Gabi-gabi napapanaginipan ka
Tayong dalawa’y magkasama
Ikaw at ako
Masaya pareho

Nagising ako,panaginip lang pala ito
Na kahit kailan hindi magiging totoo
Kay saklap naman ng mundo
Hindi sila sang ayon sa gusto ko

Masakit pala kapag sinampal kana ng katotohanan
Imumulat ka sa iyong katangahan
Titigil na ba? O ipagpapatuloy pa?

Send me the best BW Tampal!

* indicates required