Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Maraming salamat sa pagpapakilala sa akin. Simula sa iyong pangalan, mga hilig, sa kanta, mga banda, iyong mga magulang at kaibigan, mga hindi malilimutang pangyayari ng iyong buhay at higit sa lahat salamat sa pagpapakilala sa akin sa Diyos.

Maraming salamat din sa mga payo mo sa akin na magtiwala sa sarili, lumaban sa agos ng buhay kahit konti at higit sa lahat ay manalig palagi.

Lalo mong nabihag ang puso ko nang makita kita kung paano ka manampalataya sa Kanya.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Akala ko noo’y maswerte ako para ibigay sa akin ang isang katulad mo na siyang makakasama ko sa habangbuhay.

Sa paglipas ng mga buwan ay napagtanto ko na pinagpala ako para gawin kang instrumento ng Diyos upang mahanap ko ang sarili ko sa Kanya, na hindi pala ikaw ang makakapagkumpleto sa akin kung sa una palang ay hinahanap ko na ang halaga ko at pag-ibig sa ibang tao.

Masakit mang bumitaw ngunit alam kong ito ang ating tadhana kaya’t maghihintay ako sa Kanya na habang unti unti Niya akong binabago, inihahanda na nya para sa akin ang tamang tao kung kaya’t sa huling pagkakataon ng ating pagsasama ay gusto kong magpasalamat sa’yo,

maraming salamat sa pagpapakilala sa akin. Simula sa iyong pangalan, mga hilig, sa kanta, mga banda, iyong mga magulang at kaibigan, mga hindi malilimutang pangyayari ng iyong buhay at higit sa lahat salamat sa pagpapakilala sa akin sa Diyos.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required