Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Nag tapos tayo ng High School ng walang bakas ng kalungkutan. Sobrang saya mo noon kasi finally tayo na.

Sinagot kita kasi alam kong magiging masaya ako sayo at gusto kong simulan ang College life ko na kasama ka sa kwentong ‘yon.

Ikaw ang unang estraherong lalake na nakahawak sa aking mga kamay kasabay ng pagsilip ng mga ngiti mo na tila batang binigyan ng bagong laruan.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Ang sarap sa pakiramdam na mahalin ka ng taong hindi mo inaasahan na darating sa buhay mo at magbibigay lalo ng kulay sa mundo mo.

Pinakilala mo ako sa pamilya mo na mas lalong ikinatuwa ng puso ko at gayon din ang ginawa ko pero pasensya kana mahal kung hindi ka pa gusto ng magulang ko.

Bata pa tayo noon pero alam ko sa sarili ko na sigurado na ako sayo.

Tumungtong tayo ng Kolehiyo na magkaiba ang paaralan na pinasukan natin.

Walang halong pangangamba kasi alam natin sa isa’t isa na matatag tayo at mahal natin ang bawat isa.

Tumagal tayo mahal. Sobrang saya ko kasi walang nagbago sa ating dalawa.

We’ve been fighting our relationship for 3 years straight. Nakaka proud kasi walang lapses and walang break up na naganap.

We fight, a lot, pero hindi tayo pumapayag na matulog ng may sama ng loob sa bawat isa.

4th year college. Ang rami na nating plano noon kasi magtatapos na tayo ng pag aaral.

Sobrang kampante ako sa relasyon natin pero bakit tila bigla kang nagbago?

Hindi na kita nakakausap gaya ng dati. Tuwing tinatawagan kita palaging busy ang line mo at ang sagot mo parati sa akin ay kausap mo mga ka group mates mo.

Unti-unting lumayo ang loob natin sa isa’t isa. Hinayaan kita na maging ganon sa akin.

Magkikita lang tayo kung kelan mo gusto o kaya pag nag iinarte na ako sayo.

Napipilitan kana na makausap ako. Bawat ngiti mo ay parang may tumutusok na kung ano sa puso ko.

Peke. Lahat ng ngiti at yakap mo sa akin ay alam kong pilit na lamang ang mga iyon.

Nagbulagbulagan ako dahil mahal kita at umaasa ako na baka pwede pa natin maayos ang kung ano ang meron tayo.

Tiniis ko na hindi ka makausap at makasama ng ilang buwan. Maging ang nakasanayan natin na pag simba tuwing pasko ay di na natin nagawa.

Gusto kong tanungin ka kung bakit tayo nagkakaganito. Kung bakit ka nagkakaganyan pero mas pinili kong manahimik.

4th anniversary natin. Binati mo ako pero ang binalik kong pagbati sayo ay ang salitang ni minsan ay hindi pumasok sa isip ko.

“Break na tayo”

Katagang binigkas ko sayo habang kausap kita sa telepono. Inaasahan ko na pipigilan mo ako pero sa halip ay isang masiglang “OK” ang binitawan mo kasabay ng pagbaba mo ng telepono mo.

Sobrang sakit na halos maubos lahat ng tubig sa katawan ko sa labis na pag iyak ko.

Marahil nagkulang ako sa oras at atensyon pero sana mahal inisip mo rin na may pagkukulang ka rin sa akin pero ni minsan hindi kita sinumbatan o binitawan.

Ang raming tanong na hindi nasagot.

Ang raming emotion na hindi napakawalan.

Ang raming rason para ika’y iwan.

Pero mas pinili kong ibigin ka kahit alam kong wala na.

Nakapagtapos ako ng kolehiyo na wala ka.

Ngayon na may trabaho na ako, ikaw pa rin ang hinahanap ng puso ko.

Hindi ko man aminin pero sobrang namimiss na kita.

Hindi ko man ipakita pero sobrang mahal pa rin kita.

Nakausap kita bago ako umalis ng ibang bansa at ang sabi mo

“Sana tayo pa rin sa huli. Magsisikap ako at babalikan kita. Hindi man ngayon pero pangako babalik ako”

Gusto kong umasa ulit. Gusto kong maniwala ulit.

Sana nga tupadin mo ang pangako mo, mahal.

Sana nga tayo pa rin hanggang sa huli.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required