Bilang
Categories Poetry

Bilang

Hakbang

Isa, dalawa,tatlo
Hindi pabilisan ang buhay, wag kang tumakbo
Apat, lima, anim
Bago ka umani sa buhay, kailangan mo muna magtanim
Pito, walo, siyam
Huwag mayabang, marami pa tayong hindi alam
At sampu
Mamuhay para sa Diyos, na nagpapako sa Krus

Ang buhay hindi minamadali
May mga bagay na para talaga sa una at huli
Meron itong pagkakasunod sunod
Huwag kang lalaktaw, at baka ika’y malunod
Huwag magmamadali
Baka magsisi ka sa huli
Huwag kang manatili sa likod
Pakinggan ang Diyos at sumunod

Oo maraming sakit at pighati
Sa dinanas ni Hesus kaya mo bang makihati?
Bawat sakit, hiya at latay
Tiniis niya, binigay niya pati kanyang buhay
Magpakababa, kaya mo ba ‘tong arukin?
Iniwan Niya ang Langit para sa atin?
Kung Siya para sa ati’y handang mamatay
Bakit para sa Kanya ay hindi mo kayang mamuhay?

May ilalim at ibabaw
Pananampalataya’y dapat mangibabaw
May ilalim at ibabaw
Lagi mo lang sundan ang Ilaw
May ilalim at ibabaw
Sa mundo at bumitaw
May ilalim at ibabaw
Sa Diyos ay wag kang bibitaw.

#kyemengTula

Prev God’s best, God’s time
Next Tell Me

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *