Naranasan kong mabalewala
Tipong binigay mo na lahat
Pero hindi ka pa sapat
Kaya ika’y kanyang iniwan.

Sakit at kirot ang aking naramdaman
Hindi niya man lang niya naisip ang
kahapong nagdaan
Pagmamahal ko kanyang sinayang
Di man lang niya sinuklian.

Pinagtagpo pero hindi tinadhana
Dinaanan ni kupido pero di pinana
Pagkawala mo ng gana
Paglisan ng mga ngiti at tingin sa akin mga mata.

Sinaktan kahit nagmahal ka lang naman
Pinaglaruan ang nararamdaman
Niloko kahit binigay buong puso
Iniwan! kahit siya di mo kayang iwan.

Di maubos ang aking “bakit?”
Walang katapusan ang aking “Sana”
Sana nakinig na lang ako,
Para hindi ako nabalewala ng ganito.

Tama pa ba? O Tama na?
Ipagpapatuloy ko pa ba?
O mas mabuti nang tapusin ko na,
Katulad ng pagbewala niya.