Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

O ama, bakit ika’y parang bulang lumisan?
Sakit at lungkot ang aming naramdaman
Di makapaniwala mundong ibabaw iyong nilisan
Sapagkat hangad naming ika’y makapiling hanggang
kawakasan.

Buhay ay di natin hawak
Sapagkat ito ay hiram natin sa Maykapal
Tanging Siya lang ang nakakaalam,
Kung kailan tayo magwawakas.

Ngunit hangad ko sana mamuhay kami ng masaya
Gusto kong iparamdam ang pagmamahal ko sa kanya
Gusto kong maramdaman ang presensya niya
Gusto kong tumanda kasama niya.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Marami akong gustong gawin kasama niya
Ngunit ito ay hanggang panaginip na lamang
Di ko lubos maisip na kami’y kanyang iniwan
Sana’y mapunan na ang pangungulila na nararamdaman.

Sana ika’y masaya na,
Alam kong balang araw tayo at magkikita
Sana’y balang araw ako’y iyong makilala
Paalam na aking Ama.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required