BITAW NA
Categories Poetry

BITAW NA

Lumalalim na ang gabi at dahan-dahang namamaalam sa liwanag ng araw.
Sa pagitan ng umaga’t gabi kailangan mo ng bumitaw
Bitaw na sa liwanag na nakakasilaw
Sa liwanag na pansamantala, sa liwanag na pabago-bago
Sa liwanag na bigla na lang  nawawala pag may ibang nakikita.
Mahal bitaw na.

Bitaw na sa relasyong di kana masaya
Sa relasyong puro hinala, walang tiwala
Sa relasyong ikaw na lang ang lumalaban
Sa relasyong hanggang panaginip ka na lang
Maawa ka, bitaw na.

Bitaw na kung ikaw ay nasasaktan,
Kung sa bawat gabi, mga matang iyan ay luhaan
Bitaw na kung hanggang panaginip ka na lang masaya
Bakit paggising mo ba, may mag-iiba?
Panaginip mo ba’y magkatotoo na o mananatili ka na lang umaasa?
Babalik ba ang masasayang alaala?
Puso mong durog, mabubuo pa ba?

Mahal, paano ka maging malaya kung sa nakaraa’y nakakapit ka pa?
Paano ka maging masaya kung sarili mo’y isinisiksik mo pa?
Pilit mong inilagay sa lugar na di ka nababagay,
Sa relasyong di na pwede pero pinilit mo ang iyong sarili.
Paano ka magigising sa katotohanan kung sa buong buhay gusto mong matulog ka na lang?
Sa masalimuot na sitwasyon, paano ka makawala kung patuloy kang magpakatanga?

Mahal bitaw na, sarili mo maawa ka.
Sa pagitan ng mahal at mamahalin kita, salita niya’y kalimutan mo na.
Sa pagitan ng magmahal at lalaban, itigil mo na ang kalokohan.
Kalimutan ang mga bagay na hatid ay sakit.
Bitawan mo na, huwag kang kakapit.
Maawa ka, bitaw na.