Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Alam kong pagod ka na. Gusto mong lumaban pero sagad na sagad ka na talaga. Paano ba naman, single ka nga pero responsibilidad mo’y sobra pa sa may asawa.

Hahay….
Ang daming gustong gawin pero mas may mabigat ka pang tungkulin. Kelan pa kaya ito matatapos? Kelan pa kaya makakahimbing?

Pagod na ang utak, pagal pa ang katawan.
Namumulang mga mata, may kirot na ang tiyan.
“Di ko na kaya!”, sigaw ng utak
Pero sabi ng puso, “Lalaban pa”

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Tumingin sa kaliwa, tumingin sa kanan
Parang kailan lang ng ika’y nag-aaral.
Bakit noon, may baon at nakakaipon?
Eh ngayon, may trabaho ka nga, pero sa utang nama’y baon.

“Ayoko na, tama na”
“Pwede bang sa ngayon, ako muna?”, sabi ng isip at diwa.
Subalit kung gagawin, puso nga ba’y masaya?
Na kitang-kita mong kailangang-kailangan ka nila.

Nakakapagod man, pero dito ika’y masaya
Sabi nga ng iba, “bakit ka ba nagpapakatanga?”
“Di mo responsibilidad ang tulungan sila.”
Sabi mo naman, ang pamilya ba sa inyo ay mahalaga? Na kahit anong hirap buong-pusong isasawalang bahala?

Breadwinner ka ba? kasi ako, oo.
Mahirap man pero tatanggapin ko.
Makita ko lang masaya mga magulang at mga kapatid ko.
Lalaban ako magkagulo man ang mundo
Basta’t sa kinabukasan nila, ako ay sigurado.

Pagod ako, oo pero masaya naman ako.
Pagka’t sa laban na ito, ako ay PANALO 🙂

Ikaw ba?
Masaya ka bang maging pagod?

Sa mga BREADWINNER d’yan, WINNER ka nga’ng talaga!
💪

Send me the best BW Tampal!

* indicates required