Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Hello! Hope everything is ok with you right now. Hindi ko alam pero lately lagi kang pumapasok sa isip ko out of nowhere. Alam ko masaya ka na ngayon at ayaw ko ng guluhin ka pa. I just hope for your continuous happiness coz you deserve it of all people I know. Paano nga ba tayo nagkakilala? Well, music has a great role how we ended up being comfortable even though hindi pa tayo nagkita personally. There is this connection that bind us. Sa isang fandom tayo nagkakilala. Hindi ko na i-name yung fandom coz maybe somebody will guess it if mabasa nila to. This might be cliche pero hindi ko pinapansin mga pm mo dati until nagsabi ka sa GC na I’m snub. At inaasar na nila ako. That’s the only time na nagreply ako sayo. Everything went well during that time. Humababa yung usapan hanggang sa hindi ko namamalayan, nag eenjoy na akong kausap ka. At first, na wierdohan ako but eventually everything makes clear. You are always there with me through my ups and downs. Yung tipong kahit hindi ko sabihin, alam mo na agad na I’m at my lowest. We shares secrets, life updates, past experiences sa relationship, you being taking for granted dahil sa kabaitan mo, and even dad jokes. As in we vibe in everything. Then time came, you ask me if pwede ka manligaw, I was overwhelmed to be honest. And I’m not a type of person who wants to talk something seriously over phonecalls mas comfortable ako tru text. You insisted na magcall ka kahit di ako magsalita basta pakinggan ko lang yung mga sasabihin mo. Then nag agree ako, at never talaga ako nagresponse sa mga sinasabi mo. After you finished all the things you wanted to say, nag hung up ka na. Not that I have super strict parents kaya hindi kita pinayagan manligaw, it’s the commitment I’m afraid of. Tho I don’t even know what exactly commitment really is lmao. After that, everything went well. Hindi tayo naging awkward sa isa’t isa. Another reason is, I doubted your intention if it is genuine or what. Pero sabi mo, para mapatunayan na totoo lahat yun, you’ll be attending my college graduation kahit it will took you more than 10 hours to reach my place. You even insisted to buy me a present on my graduation. Yung fave kong libro ni Lang Leave. Pero sabi ko wag na kasi sayang sa pera at hindi ako sanay na binibigyan ng regalo at hindi ko rin naman tatanggapin. Another thing you did is you traveled straight after your shift ended just to meet me after mo nalaman na I spend my two week sem break at the province near you. You’ve waited me for about more than 5hrs pero di ako pumunta. I informed you na hindi ako pinayagan lumabas since bago lang ako sa lugar na yun at gabi na rin pero naghintay ka pa rin. Even tho it seems I turn you down many times, you were still there cheering me up when I’m down. I have this twitter where I rant all the shits happening in my life. Naka turn on notifications pala every tweet ko sayo kaya nalalaman mo agad if I’m struggling into something kaya lagi kang to the rescue just to at least ease the burden I am having. Hindi lang yun, marami ka pang nagawa na patunay na genuine yung intention mo. Pero still, I didn’t give you a chance. Naging busy ako after graduation. Hindi na tayo madalas magka usap pero you still constantly sending me messages. During pandemic, you were still there constantly reminding me to be safe. But last year we totally lost communication and I just recently noticed nawala ka bigla sa Twitter. It’s been 5 yrs but these thoughts suddenly lingers on my mind lately.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required