Mula sa kawalan ay biglang dumating madaling kumalat at nakakamatay na COVID-19 nagmula sa Wuhan ngayon ay narito narin saan pa kaya ang kaya nitong marating
Sari-sari na ang ating suliranin sa bahay, sa lipunan sa bansa natin pa itong COVID-19 Anon nga ba ang dapat gawin?
Sa ating sarili, ating simulan upang itoy ating maiwasan ugaliing ang mga kamay ay hugasan ang sabon tubig o ng alkohol
Sa pag-ubo at pagbahing ay magtakip ng ating ilong pati narin ng bibig nang sa ganon, mga tao sa paligid sa pesteng sakit ay di mahahagip
Iwasang humawak kung saan-saan matataong lugar kung maariy iwasan huwag magpanic sa mga mababalitaan pagkat sa simpleng paraan, kumakalat na sakit kaya nating iwasan
Ang mga hangarin ay kayang abutin kung ang mga simpleng payo ay susundin huwag kalimutang samahan ng panalangin ang Amang Lumikha,sa COVID-19 tayo’y palalayain.