Hindi ako ATM o savings sa banko na kapag kailangan mo ay iwiwithdraw mo nalang.
Hindi ako pokmaru na sasabihan mo lang ng matatamis na salita bigla na namang bibigay at pagkakatiwalaan ka ng tuluyan.
Siguro nga ganyan ako noon
Siguro nga mas tanga pa ako sa tanga noon
Pero sinasabi ko saýo, lahat ng tao nagbabago
Lahat ng nasasaktan, nababawasan ng emosyong mag commit
Lahat ng iniwan, natututo ding bumangon
Kaya bago mo ako sabihan ng “Kailangan ba nating mag usap”
Mag isip ka muna, hindi lang isa o dalawang beses
Hindi rin tatlo o apat
Kailangan mong isipin ng paulit ulit ulit kung ako baý iyong pinakinggan nung ako yung nagsusumamo na wag mo kaming iwan
Kailangan mong isipin kung nandoon kaba nung ikaý aming kailangan
Ano? Naisip mo ba kung gaano ka nagkulang?
Hindi, kasi hindi mo rin mararamdaman ang mga naramdaman ko nung tuluyan mo kaming pabayaan
Walang madali pero lahat kinaya ko
Para saýo lahat ay mahirap kaya umayaw ka sa responsibilidad
Tama na
Kasi ako, sanay na sanay na
Kayang kaya ko ng wala ka