Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Nakamove on ka na ba? Nagmomove on? Di pa nagsisimulang magmove on? Kahit ano pang estado ng puso mo ngayon, gusto ko lang i-share sayo to. Ugaliing magbasa para makamove on. Isa ang pagbabasa sa nakatulong sakin.

Some life lessons after a heartbreak:

✅God often uses deepest pain as redirection.
He is allowing us to experience discomfort in order for us to realize that He is our true comfort. Nang dahil sa pain, nagagawa nating kwestiyunin ang current situation natin kung tama ba ang daan na tinatahak natin. At kung tama ba ang ginagawa natin. Baka may mali. Yes may mali nga.

✅Brokenness brings us closer to God.
Yung tipong babasagin ka Niya para maintindihan mong Siya lang ang bubuo sayo. Hindi kung sinuman, hindi ang materyal na bagay at lalong hindi ang tagumpay ang bubuo sa atin.

✅Through heartbreak, God is teaching us to be kind.
Kaya hindi makakabuti sa atin ang manatiling galit sa twing nasasaktan tayo. Kailangan nating alamin at itanong sa Diyos kung ano nga ba ang gusto Niyang ituro kung bakit tayo dumaraan sa mga ganitong pagsubok.

✅God allows heartbreak for us to become wiser.
I guarantee you, mas gagamitin mo ang utak mo once you experience pain. Ang dami mong malalaman at matutuhan. At by this time mas magiging maingat ka na.

✅Pain brings higher glory and blessings.
Hindi papayag ang Diyos na walang kapalit lahat ng paghihirap at kasakitan natin. May purpose Siya kung bakit tayo nakakaranas ng sakit at kalungkutan. Isa sa mga dahilan Niya ay para mas maappreciate natin ang mga magagandang mangyayari pa sa atin sa hinaharap kasama Siya. 😊

Gamitin mo ang heartbreak as your motivation para mas maimprove mo pa ang sarili mo. Mahirap dumaan season of brokenness pero sobrang ganda nya. Dito nagiging mas totoo ang paghahanap natin sa Diyos at ang ating pagsamba. Ang season na yan ang magpeprepare sayo for something greater, dito mo mas mararamdamang sobrang buti ng Diyos, dito mo rin maririnig ang tawag Niya at ang mga revelations Niya sa kung ano ang gusto Niyang ipagawa sayo. 💓 Maximize it. 😊 Sobrang worth it kapag sumunod tayo sa Kanya.

Wait on the Lord. Trust Him. God will surely turn your mourning into dancing. 💓

“You must be willing to wait without giving up. After you have done what God wants you to do, God will give you what He promised you.”
– Hebrews 10:36

#moveonmoveonlang with the Lord 😊 💓🙏

Send me the best BW Tampal!

* indicates required