Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Sabi nila mapaglaro ka kaya sinubukan kong ‘wag pansinin ka,

Pero bawat tingin at ngiti mo di napigilang maging masaya.

Sa likod ng bawat tawa sinubukan kong itago ang kaba tuwing mangungusta,

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Pero noon pa man di na naawat ang damdaming namumuo na.

Sa malambing mong pananalita sinubukan kong wag maniwala,

Pero huli na pala dahil una pa lang di ko namalayang nahulog na.

Nang malaman ko na hindi lang sakin kundi may iba kang sinusuyo pa,

Sinubukan kong itago ang pait na nadama.

Sinabi sa sarili na maaga pa kaya sinubukan kong umiwas na,

Pero kahit anong gawin lagi kang laman ng ala-ala.

Nang magkaroon ng pagkakataon sinubukan kong lumayo muna,

Pero bawat oras na wala ka walang ginawa kundi humiling na bumalik na.

Tuwing gabing ‘di makatulog sinusubukan kong ‘wag isipin ka,

Pero tuwing ipipikit ang mga mata di mapigilang tumulo ang luha.

May kumatok na iba kaya sinubukang ibaling ang pagsinta,

Pero di magawang maging masaya dahil ang puso ko nasayo pa.

Hanggang ngayon kahit di sinubukan alam kong mahal pa rin kita

Pero di na aasang na mahalin mo rin

At di na susubok para sayo kundi gagawin ko nang kalimutan ka.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required