Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Ilang taon ang binilang
Maraming panahon ang nasayang
Di na mabilang ang mga luha na nawala
Naubos na lahat ng bala at sandata

Paulit ulit na lamang ang pagkatalo
Pagod na rin mula sa mga sugat na natamo
Bakit ba laging sa maling tao
Ipinagkakatiwala ang puso ko

Ito ang paulit-ulit na ginugunam gunam sa aking sarili
Ano bang kulang kaya pag ibig ay hindi nagwawagi
Hindi lamang ba sapat na
matapang kang kayanin lahat?
Hindi lamang ba sapat na ang pag ibig ay
tapat?

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Sa pagpapahinga ay maraming napagtanto
Hindi lamang sapat ang pag ibig
mula sa dalawang tao
Hindi dapat na sa iyo o sa kaniya lang umiikot ang mundo
Hindi rin sapat na matapat at matapang ka
Walang patutunguhan ang pag ibig na hindi inilaan ni Bathala

Dahil ang pag-ibig na bigay niya ay wagas
Mahirap man ang lahat ngunit
di mauubusan ng lakas
Ito ay matapat, sa mga tukso ay hindi agad na bibigay
Ito ay matapang, haharapin lahat ng bagay
Ito ay matiyaga, mahabang panahon man maghintay

Hindi ito hinahanap, kusa na lamang darating
Maging matiyaga, taimtim
manalangin
Sa tamang panahon ito ay diringgin
Kung tama at karapat dapat ang tao na iyong hinihiling.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required