Nakilala kayo ng mahabang panahon
Minahal sa paglipas ng mga taon
Puso ko’y inyong nabihag
At nahuli niyo ako sa inyong bitag
Para kayong mga bituin
Gusto ko ma’y di kayang abutin
Kahit anong pilit na itaas itong mga kamay ko
Hindi iyon sapat para maabot kayo
Kaya hihigpitan ang hawak ko
Aasang makikita kayo
Dahil ako’y nangangamba
Na sa paglipas ng panaho’y di ko na kayo makikita pa.
MAHAL KONG BANGTAN