Categories Relationships

February 18,2020

Alam ko paalis ka na bukas, Matatalikuran mo na lahat lahat, lalo na ako. Matagal mo na pala akong tinalikuran, iniwan at pinabayaan. 

Yung tahanan ko mismo pala ang mang iiwan sa akin. Ngayon wala ng natira sakin. Wala akong masilungan. Tangina mag isa nako.

Alam ko kasabay ng pag alis mo yung hindi mo na rin pag balik sakin. Hindi na ako makakarinig ng paalam sayo. Kasi minsan yung hindi mo pagsabi ng paalam ay yun na rin mismo ang paalam nya sayo.

Sana matanggap ko na. Na simula bukas ay hindi na tayo magkakilala. Na sa pagtalikod mo, ay dapat hindi nako humabol pa.