Para saakin ito na yung pinaka masakit, iwanan ka na ng lahat pero wag lang yung iwanan ka ng walang dahilan. Hindi ko maintindihan, bakit bigla ka nalang nawala. Ang dami daming tanong sa utak ko na gusto kong itanong sayo pero wala, ikaw na rin naman mismo ang lumayo. Hindi ka man lang nagpaalam, hindi ka man lang nagsabi na kailangan mo na akong iwan o sana man lang ay sinabihan mo ako na hindi mo na kayang manatili sa relasyon nating pilit kong ipinaglalaban. 

Mas masakit talaga yung ganitong pakiramdam. Nababaliw na ako kakaisip. Marami akong tanong sa sarili ko. “May mali ba akong nagawa?” “Hindi ba ako naging sapat?” Ang hirap hirap kasi kahit ilang beses ko pa yan tanungin sa sarili ko tanging ikaw lang ang may alam sa sagot sa tanong na yan. Pinangako mo saakin lahat, nangarap kang kasama ako, nangarap ka para saating dalawa pero sa huli ako lang naman pala yung tutupad non mag isa. 

Kahit piliin kita, kahit gusto ko paring manatili ka, wala na akong magagawa dahil sa paglalakbay nating dalawa iniwan mo akong mag isa. Kasama mo lang pala akong maglakbay pero iba parin talaga yung destinasyon mo, pero sana man lang nagpaalam ka saakin bago mo ako iwan.