Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Hayaan mong mahalin kita, hayaan mong gawin ko lahat para sayo, hayaan mong masaktan ako. Hayaan mo na.
Hayaan mong mahalin kita ng walang hinihinging kapalit. Hayaan mong mahalin kita kahit alam kong iba ang ‘yong mahal. Hayaan mong mahalin kita sa araw na hindi ka na kamahal mahal. Hayaan mong mahalin kita sa mga pagkakataon na tinataboy mo na ako. Hayaan mong mahalin kita sa tuwing sinusungitan ako. Hayaan mo sanang mahalin kita.
Hayaan mong gawin ko ang lahat para sa’yo. Hayaan mong pagsilbihan kita na parang prinsesa. Hayaan mong pangitiin kita sa tuwing nalulumbay ka. Hayaan mong maging tagapakinig ako sa tuwing may problema ka. Hayaan mong maging superhero ako maprotektahan ka lang. Hayaan mong maging alalay ako makasama lang kita. Hayaan mong gawin ko lahat para sa’yo sinta.
Hayaan mong masaktan ako sa tuwing nakikita ko na nasaya ka sa kanya. Hayaan mong masaktan ako sa tuwing naiisip ko na hindi pala ako ang mahal mo. Hayaan mong masaktan ako sa tuwing binabalewala mo ako dahil sa kanya. Hayaan mong masaktan ako sa tuwing kasama kita pero iba ang nasa isip mo. Hayaan mong masaktan ako sa tuwing andyan ako sa tabi mo pero iba ang hinahanap mo. Hayaan mong masaktan ako sa tuwing pinapaalala ko na prinsesa ka at sa isip mo siya ang prinsipe. Hayaan mong masaktan ako sa tuwing gumagawa ako ng paraan para mapasaya ka pero isang text lang niya nakangiti ka na. Hayaan mong masaktan ako.
Hayaan mong mahalin kita hanggang sa ang puso ko na mismo ang mapagod. Hayaan mong gawin ko lahat para sa’yo hanggang sa ang katawan ko na mismo ang umayaw. Hayaan mong masaktan ako hanggang sa hindi ko na maramdaman ang sakit. Hayaan mo. Hayaan mo kasi kahit pagod na pagod na ako mahal pa din kita.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required