Sa ngayon kasi sukatan yung pag nai-my day, nai-post sa facebook, sa IG –Mahal ka non.
Pag everyday muka ng jowa yung nasa social media account — Mahal ka non.
Proud jowa.
Sige pagbibigyan kita sa ganong prinsipyo.
I-my day mo.
I-post mo sa wall ng FB mo.
I-wallpaper mo.
I-profile mo.
I-IG mo.
Go!
Lab mo di ba?
Pero tanong ko lang, hindi ba naka-custom yang settings mo?
Nag-post ka nga naka-HIDE naman.
Lab na lab mo nga.
Okay naman yung may privacy, pero di mo ba natanong sa sarili mo kung deserve niya yon?
Di mo man lang ba naisip kung ano mararamdaman niya?
At bakit ginagawa mo yon?
Sabihin na nating di pa kayo handa for publicity.
Eh kung ganon naman pala bakit kayo nag-commit?
Bakit ka nanligaw?
At ikaw na babae, Bakit mo sinagot?
Hindi na lang sana ninyo ginawa di ba?
Naka-hide na nga, ang masaklap, don pa sa mga ka-fling at pamilya niya.
Ba’t ganon? Bakit?
Pasado naman yung kahit postpone muna sa mommy at daddy, pero yung sa mga ka-fling, isang malaking BAKIT? OF ALL PEOPLE, BAKIT?
Once na makipagrelasyon ka, panindigan mo yung mga salitang binitawan mo, hindi yung one day makata ka sa harap niya.
Be a man enough.
Since you did the first step.
Ikaw ang gumusto at bumulabog ng tahimik na buhay niya, have balls to face everything.
Kung proud ka .
Don sa magulang mo ipakilala.
Hindi sa social media na kaibigan niyo lang talaga at kakilala ang nakakakita.