GANUN NALANG BA ‘YUN?
Categories Relationships

GANUN NALANG BA ‘YUN?

Ganun nalang ba yun?

Ganun nalang ba yun? Kapag sinabi mong ayaw mo na, titigil na agad tayo?

Ganun nalang ba yun? Ang tagal mong pinaghirapan at pinaglaban pero ang dali mo lang din naman palang susukuan?

Ganun nalang ba yun? Pinakilala mo sa mga magulang mo, sinama sa family gatherings nyo, pero bandang huli mas nanaig pa rin yung kagaguhan mo.

Ganun nalang ba yun? Iiyak ka, sisisihin mo sarili mo sa lahat ng mga pagkakamali, aakuhin mo lahat ng sakit para masabing ikaw yung biktima, pero ang totoo ikaw talaga yung may kasalanan kung bakit kayo nagkasira.

Ganun nalang ba yun? Kinuha mo yung tiwala, pagmamahal at buong pagkatao niya. Pero pano mo nagagawang sabihan sya nang “I Love You” kahit may iba ka na.

Ang hirap no? Tipong ang daming nangyari, daming pinagdaanan pero ganun ganun nalang din kung mawala. Nagsisisi ka ba? Sana hindi. Sana hindi, kasi naging masaya ka naman, naging masaya tayo. Pero sana, pakiusap ko lang, huwag mo nang sasaktan yung sarili mo, huwag mo na sanang sisihin yung sarili mo para masabing ikaw yung mas kawawa dahil mismong sarili mo na yung niloloko mo. Kilala na kita, alam ko na lahat tungkol sayo, ang dami mong kagaguhan na pinalagpas ko. Kaya please, magbago ka na. Tama na mga pagpapanggap.

Kung kagago-gago ako, pakiusap, ibahin mo ibang babae sa mundong ito. Respetuhin mo sila, alagaan, mahalin nang tunay dahil yun ang deserve nila.

Ilang beses mo man akong gaguhin kaya pa rin kitang tanggapin. Pero ngayon, titigil muna ko ha, sarili ko muna, kawawa na sya e.

Mag-iingat ka. Mahal pa rin kita. Paalam.