Gusto kita, pero..
Categories Poetry

Gusto kita, pero..

Unang sandali na hindi mapakali
Pagtinging pilit na kinukubli
Dahil sa alam kong ito ay mali

Gusto kita pero..
Hindi pwede, ngayon, dito
Gusto kita pero..
Baka hindi ito ang tamang kwento

Isipin mo,
Nagkagusto ko sayo
Kahit na alam kong bawal ito
Bawal sa paraang, bawal tumistigo ang mundo
Kasalanan ang turing sa pagtinging ito
Mali nga bang mahulog sayo kahit na tingin ko’y ginusto natin ito pareho?

Pagkakamaling hindi sinadya, dumating nalang sa sandaling maituturing nga bang tadhana?
Aamining sa unang pagtikim pagkabagabag ay kinimkim
Nasundan dahil sa paghahanap ng kalamnan
Alam nating hindi dapat pero ito nga ba ay sapat kung ang kasiyahan natin ay dito lang nalasap

Lumalim ang pagtinging akala ko’y mahihinto sa pag amin
Umabot sa puntong sa pagkawala mo’y may pagtatanong
“Ano nga bang meron?”
Gusto kita pero..
Hindi tama ang inumpisahan nating kwento
Kwentong naglalaro ang tatlong tao

Gusto kita pero..
May patutunguhan ba ang sugal na ito?
O ang sugal na ito’y sa dulo
Parehas tayong talo.

Tama bang ipaglaban ang alam ko lang na hiram
Na tuwing iyo lang kailangan tsaka lang ako nandyan

Gusto kita pero..
Sana’y linawin mo
Ano ba talaga ko
Para sayo?