Handa na ako..
Handa na ako kalimutan ang halos tatlong taon na masasaya at malulungkot na pangyayare sa buhay ko.
Handa na akong maging masaya para sayo kahit alam kong di na ako parte nito.
Handa na akong maging masaya kahit wala ka na sa buhay ko.
Handa na akong simulan ang bagong kabanata ng buhay ko.
Hindi man kita makakalimutan agad.. Hindi man agad mawala ung nararamdaman ko.. pero handa na ako.. Handa na ako magsimula ulit. Hindi para sayo, hindi para sa ibang tao. Kundi para sa sarili ko. Handa na ako.