Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

 

Pinasaya mo ako

Akala ko okay ka lang

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Akala ko masaya ka din

Oo, alam ko pampalipas oras mo lang ako

Nadala ka lang sa pang-aasar ng tropa mo

At eto namang marupok na si ako

Nangingiti sa bawat chat mo

“Good morning” , “Good night” , “Kain ka na”

Yan yung mga linyahan mo

Ilang taon na din nung huli kong nafeel na espesyal ako

Kaya ayun, nagustuhan kita agad

Nakakatawa lang

Isang linggo lang tayo nag-usap

Pero ilang buwan na kitang pilit na kinakalimutan

Minsan nagpapapansin

Pero di mo naman pinapansin

Bat ba ganto ang epekto mo sakin?

Malakas ba ang tama ko sayo?

O hirap ko lang talaga tanggapin?

Iba ka kasi e

Ikaw yung opposite ng pagiging weak ko

Ikaw yung opposite ng pagiging nega ko

Ikaw yung opposite ng pagiging immature ko

Ewan ko ba.

Iba ka talaga

Naiiba ka sa lahat

Pero ayun nga

Hanggang kailan?

Hanggang kailan ang hihintayin ko bago ka mabuo muli?

 

 

Ayy teka, dapat pa nga ba ako maghintay?

Siguro ang dapat ko na lang hintayin

Ay kung hanggang kailan ko pa ‘to mararamdaman

Hanggang kailan ako aasa

Hanggang kailan kita makakalimutan?

Hanggang kailan kita gugustuhin?

 

Sana lang dumating na yun

Kasi

Tumigil ka

At sabi mo di ka pa nakakamove on sa ex mo.

Ako kaya?

Kailan ako makakamove on sa feelings ko sayo?

 

 

 

Send me the best BW Tampal!

* indicates required