Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Hinihintay parin kita
Bawat araw, umaasa
Na baka bukas
Maaayos na ang lahat
Baka sa susunod na buwan
Okay na tayo ulit
Pero nakalimutan ko
Wala nga palang tayo
Hindi nga pala tayo umabot don
Wala nga palang sumubok
Walang tumalon
Sa takot na baka lalong lumabo
Na baka mawala ang pag-kakaibigan
Masayang lahat ng pinagsamahan
Dahil masaya naman tayo
Sa kung ano ang meron tayo
Hindi tayo normal na magkaibigan
Pero hindi rin tayo nag-iibigan
Ang gulo di ba
Pero dun tayo panatag
Dun tayo naging masaya
Nasanay ako na hanggang dun lang
Pero nakakatawa pala
Kasi nung nawala
Saka ko nalaman ang sakit pala
Hindi ko alam anong nangyare
Bakit kailangan may mag-bago
Bakit kailangan mo lumayo
May mahal ka na ba
Nakilala mo na ba yung inaantay mo
Kaya binitawan mo nalang ako bigla
Kasi wala na akong pakinabang sayo
Bigyan mo naman ako ng rason
Kahit anong rason
Na maaari kong paniwalaan
Para makalaya na ako
Para matapos na lahat ng tanong
Tanong na pinapahirapan ako
Simula nung nag desisyon ka
Na tapusin na ang lahat
Dahil hanggang ngayon
Umaasa padin ako
Umaasa na baka maayos tayo
Kahit wala namang tayo

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Send me the best BW Tampal!

* indicates required