Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Kay lungkot isipin pero malapit na ang pamama-alam
Paaralang minahal ko na ng lubusan
Mga classmate kong parang mga walang paki-alam
Ngayon ay malapit ng iwanan

Landas na tatahakin, amin nang haharapin
Hindi tulad dati may masasandalang pang amin
Kopyahan kahit saan maaasahan kahit kailan
Mga kaklaseng walang alam sa lesson ni ma’am

Hindi kompleto ang high school pag walang asaran
Kaklaseng kahit kailan pinagtritripan
Kahit iiyak na wala paring paki-alam
Mga bully mamaya sa office bagsakan

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Minsan may mga bagay na di mo aasahan
Pagkakataong mukhang sa panaginip lamang
Makasabay si crush sa daanan
Parang nasa langit ang pakiramdam

Pag alam ng kaklase ang hinahangaan
Sure hindi ka makakaligtas sa asaran
Irereto ka sa pahiyang paraan
Ikaw naman ay hiyang hiya at kunwari walang paki-alam

Assignment na pipinapagawa
Sa eskwelahan palang magawa
Kung sino ang may nakagawa
Papel niya ang kaawa-awa

Kapag cleaners ka para kang kawawa
Mag floor wax kayo ng sahig parang nagkakandarapa
Pero pagkatapos ng trabaho na parang di makaya
Siya namang ginhawa at kinaganda

Kapag may fines ka
Sisingilin ka hanggang sa makabayad ka
Pera mong pambili sana ng meryenda
Ubos na dahil sa katamaran mong talaga

Guro naming kayganda
Kapag magalit parang madrasta
Pero kapag masaya ang araw niya
Lumalakas rin ang amats niya

Ala-alang kaysarap isipin
Nagawang kalokohan namin
Maghihiwalay man mga landas natin
Hindi malilimutan mga pagsasama natin

Send me the best BW Tampal!

* indicates required