Hanggang Saan
Categories Poetry

Hanggang Saan

Madalas kong tanungin ang sarili ko

Hanggang saan ang kaya kong tiisin

Yung simpleng hindi mo pagpansin

Yung kulang sa atensiyon at panahon mo para sa atin?

Madalas pansin ko, parang sawa ka sa atensiyon kong bigay

Siguro kasi alam mong palagi akong nandito

Sa panahong kailangan mo ako,

Iniisip mo pa lang, andiyan na ako.

Pero sa panahong ako naman ang mangailangan, andiyan ka kaya?

O baka dapat hindi na ako aasa pa

Madalas din yung mga pangako mo kasi napapako.

Siguro wala lang sayo

Pero para sa isang taong nagmamahal tulad ko, langit at batas ang iyong salita

Alam mo kasing hindi kita matitiis kaya para bang normal lang lahat

Sanay ka sa attensiyon kong bigay lagi sayo

Kahit parang balewala na ako

Okay lang, ganun talaga siguro

Pero sana sa panahong ikaw naman ang maka alala sana andiyan parin ako

Handa kang tanggapin

At ibalik sa dati ang lahat

Takot akong sa panahon na suko na ‘ko

Ikaw naman ang handang gawin lahat

Kaso, baka nga talaga ayaw nang tadhana na maging masaya

Lahat na lang nang ibigin ko ayaw sa aking ibigay

Bakit kaya?

Baka hindi talaga para sa akin ang pag-ibig?