HINAING NG HOPELESS ROMANTIC
Categories Relationships

HINAING NG HOPELESS ROMANTIC

Recently sa opisina, napag-usapan lang namin ang tungkol sa aming mga buhay pag-ibig hanggang sa napunta ang usapan sa akin. My workmates know me as one of the “Hopeless Romantic” guy sa aming grupo so they gave me some advises about how will I pursue a lady.

One of my workmates said: “Dapat kasi marunong kang maghintay.”

Marunong mag-antay. Let me tell a story. When I was younger, this was 11 years ago. Mayron akong isang babaeng inibig. sa pag-ibig ko sa kanya ay nagawa ko siyang antayin ng halos 5 years para maligawan siya dahil sa nag-aaral pa kami noon sa college at nga bata pa kami. In fact, kailan ko na lang nalaman na sinabihan pala ng tatay nung babae sa aming pastor na palayuin ako sa babaeng aking iniibig na itago natin sa pangalang Irma. Ginawa ko iyon hanggang sa makagraduate kami ng college. after ng paghihintay ay niligawan ko siya ng halos isang taon hanggang sa sinagot niya… as in sinagot niya ang karibal ko. Saklap di ba?

Isipin mo na lang. Madami akong pinalampas na babae na may gusto din sa akin, isa na doon ang isang babaeng naging isang model. Take note, yung babaeng model na iyon ay siya pang baliw na

Sabi ng iba “huwag ka kasing maghintay ng ganung katagal, lagyan mo ng time frame.”

Time frame ba kamo? Lets continue. Nakamove-on ako sa inantay kong babae ng mga almost 1 year and 2 months. Kaya naman ang sinunod kong ligawan noon ay ang katrabaho ko na naging kateam sa dati kong trabaho. NILAGYAN KO NG TIME FRAME. After 6 months kailangan sagutin nya ako, kung hindi ay di ko na siya ipopursue.

Umabot naman ng 5 moths ang panliligaw ko, kaso binasted nya ako ng hindi ko alam ang dahilan kung bakit ng iniwan nya akong mag-isang luhaan sa terminal ng UV Express na nasa isa sa pinakasikat na mall sa bansa. Pinagkalat pa nga niya sa ibang friends nya na stalker daw ako kahit malinaw naman sa kanya na ako ay nanliligaw sa kanya.

May sumingit “dapat kasi focus ka lang sa isang babae,hindi pedeng madami kang babaeng tinitignan.”

Dapat focus sa isang babae ba kamo? Sa dalawang babaeng nabanggit ko sa blog na ito ay nagfocus lamang ako sa kanila noong sila’y aking nililigawan. Hindi ako dumiskarte sa iba kahit na alam ko na may ibang babae na nagkakagusto sa akin (lakas makapogi. hehehe). Pero ang ending nga ay BINASTED NILA AKO.

Sabi na naman nung isa: “dapat kasi ang ligawan mo ay makaDiyos.”

MakaDiyos ba? Aba naman, matindi yan. Actually, karamihan sa mga naligawan ko na ay mga Christians. ANg iba sa kanila di umano ay “mataas ang standards ko” but when she met someone, after a month or two lang ay sinagot nya na ang lalaki. MATAAS NGA ANG STANDARD. Yung isa naman ay sinagot naman ang isang lalaki na wala sa standards nya. MATAAS NGA TALAGA ANG STANDARD.

“Subukan mo kayang dumiskarte ng sabay-sabay?”

Sabay-sabay naman ba? Hehehe. Masunurin ako minsan e. Sinubukan ko na yan. Nakipagchat sa mga Dating Sites, halos kada dalawang buwan ay may dinidate na ako na nakikilala ko sa online. Pero pagkatapos ka nilang mameet ay boom, di ka na nila papansinin. Kainis di ba?

“Magaganda kasi mga nililigawan mo e. Subukan mo kayang manligaw ng saktuhan lang ang itsura?”

Saktuhan ang itsura ba kamo? Sus. Nasubukan ko na din iyan. Pero wala ding nangyari. Palusot pa ng ilang mga babae actually ay “busy ako.” OK, yayain mo for the second time, sasabihin na naman ay “busy ako,” tapo yung huli kong pag-aya ay sinabi na namang “busy ako”. So tinanong ko kung bakit busy, alam mo ba ang sagot? Isang malaking WALA. Seen zone at ignore zone ka pa. Saklap di ba?

“Huwag kasing masyadong mataas ang standards mo.”

Standards ba kamo? Nakakalungkot sabihin, pero minsan kong ibinaba ang standards ko. Ilan sa mga standards na kinompromise ko ay ang pagiging Kristyano at pagiging dalaga. Nanligaw ako ng hindi Kristyanong babae at single mom siya, take note, MAY TATLONG ANAK PA!!! Pinag-isipan ko pa nga kung itutuloy ko ang aking pag-ibig sa kanya o hindi kadil nga sa may mga trphies na siya. Then I finally decided na kaya ko syang panindigan sa kanyang tatlong anak. Kaya naman sinubukan ko siyang ligawan ngunit…. Ngunit naunahan ako ng isa niyang manliligaw na kailan nya lang nakilala. Awts again!!!

Ilan pa sa mga kinompromiso kong standards ng babae ay ang babaeng gusto ko ay dapat hindi lango sa alak. Aba naman, sinubukan ko din ligawan yan, infact, atheist pa siya ha. Pero wala pa din kasi ang sinabi nya ay “you deserve much better than me.” Tsk! Tsk! Tsk!

“Subukan mo kasing mag-effort sa kanila.”

Effort ba kamo? Nasubukan ko na yan. Magpadala ng kung anu-ano, cakes, chocolates, perfume, treat her right, protect her from harm (even her virginity), send her some letters, sending her some flowers, even going to their hose to court the lady (kay Irma ko ginawa yun). But then again, walang nangyari.

“Dapat marunong kang maghintay!”

Maghintay?! Aba! Ako na ata ang hustler diyan. Gaya nga ng sinabi ko sa blog na ito ay nahintay ko si Irma para ligawan siya for more than 4 years at hindi lang iyan, talent ko din ang maghintay ng 4-5 hours ang isang babaeng nililigawan ko habang hinihintay ko siya at ihatid pauwi ng bahay nila.

SINUBUKAN MO NA MGA SUGGESTION NILA PERO WALA PA DIN

Naghintay ng matagal, naglagay ng time frame, nagfocus sa isang babaeng nililigawan, dumiskarte ng sabay-sabay, nanligaw ng makaDiyos (karamihan actually), manligaw ng saktuhan ang itsura, ng conservative, nanligaw ng wala sa aking standards. So ano nga ba ang problema dito? nasa sa kanila ba na dahil ba sa hindi nila naaappreciate ang ginagawa mo para sa kanila?

NAKAKAPAGOD NA DIN ANG MAGHINTAY

It’s bee 11 years that this is happening to me. Imagine, sa ilang mga babaeng pormal kong niligawan, sa mga babaeng sinubukan kong i-date sa labas ay wala man lang na nagustuhan ako. Alam nyo sa totoo lang nakakafrustrate ang maghintay. Hindi madaling suliranin ang maging single ng matagal. You get depress, you are going to think na “kamahal-mahal ba ako? Saksakan ko ba ng pangit?” Nakakawala ng confidence. Hindi madaling i-deal ang rejections. Tipong gusto mo ng maging marupok. Pumatol sa mga babaeng may gusto sa iyo kahit na ayaw mo na, o hindi kaya ay subukan ang mga bayarang mga babae.

MASAKIT ANG MAREJECT TAPOS NAJUDGE KA PA

Sa totoo lang, sa mga rejections na iyan, imbes na damayan ako sa aking kalungkutan ay nahusgahan pa ako. Pagtatawanan ka pa. Nasaktan ka na, nabully ka pa.

Yung isa sa kanila ay tinawag pa akong OBSESS, yung iba napagkamalan pa akong STALKER, yung iba sinabihan pa akong CHICKBOY, BABAERO, ISIP BATA. Anak naman ng tokwa. Saan tayo lulugar nyan. NAREALIZE KO NA KAHIT ANO PA MAN ANG GAWIN MO, SIGURADON-SIGURADONG MAHUHUSGAHAN KA SA MGA GINAGAWA MONG PAGDISKARTE SA BABAE.

DONT GIVE UP ON LOVE.

Kahit na ilang beses tayong tablahin ng mga babae mga brothers, dont give up on love. Very cliches pero meron at meron ding makakaappreciate lahat ng ginagawa mo. Kung nasasaktan ka sa mga miserable moments mo na nae-experience pag dating sa buhay pag-ibig mo. Lagi ka na lang basted moments sa mga babae. Iiyak mo lang iyan. Hindi naman kahinaan ang pag-iyak. Express that pain. Kinalalake mo ang pag-iyak kasi nasaktan ka lang naman. Kesa naman mabaliw ka sa kakakakimkim ng sakit ng kalooban mo. Kaya mo yan. As long as di ka nakakagawa ng masama sa taong iniibig mo o hindi mo siya pinag-iispan ng masama ay OK lang yan. You’re still doing fine. Pulutin mo ang pira-piraso ng basag mong puso kung nabasag man ito, at kung mabasag mang itong muli, pulutin mo pa din at buuin mo pa din ito.

BE A BETTER MAN

YES! Masakit sa pakiramdam na walang nakaka-appreciate sa iyong mga niligawan noon sa mga ginawa mo para sa kanila. Be a better version of yourself. BE A BETTER MAN, NOT A BITTER MAN. May kanya-kanya din kasing preferences ang mga babae kaya hindi natin sila masisisi. At kung minsan pa nga ay nagiging pokmaru din sila dahil sa kanilang emosyon. Be the best that you can be.

PEDENG HUMILING?

If tinapos mo ang blog na ito ay maraming salamat sa pagkakataon na maibahagi ko ang aking hinaing bilang hopeless romantic. Ang kahilingan ko lang naman ay CAN YOU PLEASE GIVE ME SOME ADDITIONAL INSIGHT ABOUT SA PAKIRAMDAM NG ISANG TAONG HOPELESS ROMANTIC? I just want to know also your frustrations, yung nararamdamang sakit lalo na sa mga lalaking basted like me. Hindi lang para makatulong sa akin kung hindi sa iba na rin.

God bless mga kapatid.