Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

“Dear Editor,
birthday ko po ngayon, kaso broken hearted.. haha! baka pwede naman pong paki post ung content.. sana mapagbigyan nyo na as birthday wish! 🙏”

Nilapitan kita no’n para humingi ng tawad,
sa pag alis kong bigla.
hindi ko kayang magpaalam at magpaliwanag kung bakit,
walang madaling salita.

wala akong ibang inaasahan,
bukod sa mapatawad mo.
para matahimik ang konsyensya
at guilt na dala dala ko..
kaso hindi ganon ang nangyari ng makausap ulit kita..
hindi naman inaasahan,
nagising si pusong sinasabing mahal pa din kita.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


panandalian nabuhay ako.. sumaya ng ilang saglit.
akala ko magagawa ko na, ung pinangakong hindi na aalis ulit.
pero habang binubuo ko, ung tayong dalawa..
nandun ka na pala sa puntong may mahal na iba.

gumuho ako.. mas masakit sa unang beses kang nawala.
ung lakas ng loob na dala ko, naupos ng bigla.
ung hindi inasahan, ung akala kong hinding hindi mo magagawa..
sa harapan ko pa mismo, sinabi mong mahal mo sya.

nakakainis.. nakakagalit.. bat kung kailan kaya ko na..
kaya ko na sanang ilaban si puso at makabawi sa lahat ng nawala..
kung kailan kaya ko na sanang tuparin ung noong ipinangako ko..
sa iba ka pala nakatingin, iba pala ung plano mo,
ganti at pagwasak ng buhay at mundo ko.

umasa pa ko, lumaban, kahit sukong suko na.
kinukumbinse ang sarili kc sabi mo ‘mahal ka’
kc sabi mo kamay ko ang hahawakan ng mahigpit,
kc sabi mo sasamahan ako hanggang sa huling pagpikit

pero all lies.
all lies to continously ruin my life .

may you never be loved, the same way I did.
wala na sanang magmahal sayo, coz you dont deserve a bit.
may you never love again, the way you loved me.. that pure love I had once felt, is now nothing but agony.
may you never promise forever, which your heart always desire..
to someone else believing, coz youre nothing but lies

Send me the best BW Tampal!

* indicates required