Hanggang kelan kita HINDI seseryosohin?

Hanggang kelan ko sasabihin sa sarili kong “hindi muna kita seryusuhin”?

Bawat ‘pop’ ng telepono ko, napapangiti ako dahil alam kong ikaw nanaman yan nambobola. Bawat kilig na nararamdaman ko, kailangan kong huminto at huminga, kasi nga di ka naman seryoso.

Pag nararamdaman ko na nag-aalala ka saken, nalulungkot ako. Bakit? Kasi hindi rin muna ako mag-aassume.

Pwede bang sabihin mo na? Sabihin mo nang may ibigsabihin ang mga tingin mo. Sabihin mo nang hindi lang kaibigan ang tingin mo sa akin.

Gusto na kitang mahalin ng walang preno-preno! Gusto kitang yakapin at halikan ang mga labi mo. Gusto kong isigaw sa lahat na ika’y akin at ako’y iyo.

Pero hindi pa pwede dahil hindi muna kita seseryosohin.