Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
Gusto Kitang Mahalin…
photocreditto:Google.com
Unang sulyap, unang hawi ng buhok, unang salita, ay hindi na napigilan ang puso sa pagtibok kasabay ng tanong, “pwede kaya?”
While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:
Isang hiwaga, parang isang mahika. Hindi ko maipaliwanag ang nadarama dahil sa tuwing nanjan ka, buhay koy kumpleto na.
Pero bakit tila isang himala, dahil ng makita ko ang iyong mata ay para bang punong puno ng pagdurusa.
Dahil sa gitna ng mga mala-prinsesang ngiti at tuwa ay isang hindi maitatagong nakaraan na nagmarka ng isang masalimuot na ala-ala.
Gusto kitang mahalin, pero paano? Ano? Kung ang puso mo ay nakatali parin sa kanya, kung ang mga ala-ala ay sinasabing, “Pangako, tayo hanggang huli.”
Gusto kitang mahalin, punasan ang mga luha mo, iligtas ka sa isang bangungot na gusto mong makawala, ibsan ang sakit na nasa puso mo, pero hindi ko kaya.
Gusto kitang mahalin, pero pag gagawin ko yun ay masasaktan lamang kita dahil alam kong ikaw ay sugatan pa.
Hindi ko marahil kayang tapatan ang pagmamahal na minsan ay binigay nya, na nagpadama sayo ng saya.
Gusto kitang mahalin, pero alam kong may nagpatunay na. Isang tao, pumunta, nagdusa, at namatay Sya para maging buo ka.
Gusto kitang mahalin, pero alam kong sa Kanya, ikaw ay sasaya, ika’y mabubuo, mapupunas ang mga luha at magiging ok na.
Gusto kitang mahalin, pero, mahalin muna natin Sya ng sobra, maghilom ang puso ng dating nadurog.
Para pagdating ng panahon, alam kong ang pagmamahal natin sa Kanya ang magsasabing, “Gusto kitang mahalin, pwede na.”
Unang sulyap, unang hawi ng buhok, unang salita, ay hindi ko na mapipigilan ang puso kong sabihing “Mahal kita, pwede bang maging tayo na?”