May alam akong kanto, hindi ko na dapat pinuntahan ngunit nais ng mga paa na tapakan
siguro dahil ang daan na iyon ay may patutunguhan na hindi ko inaasahan at iyon ay ang iyong kanlungan.

Pansamantala akong tumigil para ikaw ay titigan habang tumititig ka rin sa taong sayo’y nang-iwan at doon naramdaman ko na kahit tumigil ako rito nasa kabilang kanto ang iyong kailangan.

Oo handa naman akong magtagal kung ibabaling mo rin sa akin ang iyong pagmamahal, ngunit habang tumatagal patuloy na umaagos ang luha sa mata ng hangal na nagmahal.

Mahal kita at nangako akong hindi ako susuko mahal ngunit aking natutuhan na hindi maaaring tambayan ang pakiramdam na dapat dinadaanan lang.

Dahil kapag ako ay

Kaya paalam mahal. Pasensya na at hindi ako nagtagal.