Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Hindi pwede.

Hindi pwedeng ganito na lang palagi.

Palaging ako ang mauuna sa mga bagay na hindi naman ako ang nagsimula at ikaw naman ang magtatapos.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Magtatapos sa problema na ikaw naman ang nagdulot.

Nagdulot ng pangangamba na baka masayang ang mga oras na ipinagpalit sa mga panahon na dapat tayo’y masaya at walang sakit.

Sakit na dapat hindi ko naramdaman nung una palang na nalaman ko.

Nalaman ko na hindi pwedeng ganito na lang palagi.

Palaging ikaw ang unang pipiliin ko kaysa sa sarili ko.

Sarili ko na kahit kailan ay hindi mo pinili pero pinilit mo.

Pinilit mo kong paniwalain na tama ka at ako ang mali.

Mali na masaktan ako dahil ikaw ang mas nakaramdam ng sakit kasi ikaw yung nanahimik.

Nanahimik hanggang sa ako ang unang bumitaw.

Bumitaw dahil wala kang ginawa.

Wala kang ginawa kahit nung lumingon ako..at tumingin sayo..

..tumingin sayong mga mata at nangungusap na pwede ba? Kumilos ka naman…papalayo na ko sayo.

Pero ibinigay mo yung dapat at hindi yung gusto ko.

Kasi hindi pwede.

Hindi na ko pwedeng masaktan ng paulit ulit dahil sayo.

Kasi hindi pwede.

Hindi pwedeng simulan ang tapos na.

Hindi na pwede.

Hindi na pwedeng dagdagan ang inidulot mong problema.

Hindi pwede.

Hindi pwedeng puro pangangamba ang mararamdaman kapag hindi masaya.

Hindi pwede.

Hindi pwede na ikaw lagi ang pipiliin ko at pipilitin mo na ikaw ang tama at ako ang mali.

Hindi pwede.

Hindi pwedeng mali na masaktan ako dahil lang sinabi mo na mas nasasaktan ang tahimik.

Hindi pwede.

Hindi pwedeng kumapit ulit ang unang bumitaw ..

At ikaw..

Ikaw ang nagpatunay na hindi pwede,

Hindi pwedeng balikan ang nakaraan pero pwedeng dalin para sirain ang kasalukuyan para hindi harapin ang kinabukasan.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required